Siguro matagal na dito sa Pilipinas ‘yung Koreano na sumingit sa pila sa immigration sa NAIA na ikinagalit ni Luli Arroyo.
(Ang paliwanag ni Edgar Padlan, mahuhuli na sa kanyang flight ang Koreano at may policy yata sila na sa mga ganyang sitwasyon, uunahin ang namimiligro maiwan ng flight. )
Uso kasi ang singitan dito sa Pilipinas. Hindi marunong sumunod ang Pilipino sa pila.
Sa pila ng tiket sa MRT,Marc Jacobs Handbags, marami diyan na maikiusap magpabili doon sa mga nasa una ng pila. Tayo namang mga Pilipino, mapagbigay. Kaya maraming namimihasa.
Noong isang buwan nang dumating ako galing Iloilo, nagmadali akong dumeretso sa comfort room. Mahaba na ang pila ng dumating ako. May dumating na dalawang ale na dere-deretso sila sa loob. Parang wala silang narinig kahit sinabing may pila.
Ayaw naman naming maki-pagsabunutan para yan lang kaya hinayaan na lamang namin. Nang lumabas sila, sinabi nilang kahit galit kami, wala silang maawa dahil ihing-ihi na raw sila. Di, sige.
Hindi pambihira ang nangyayari na pinapasingit ang mga dayuhan sa pila. Nandyan pa rin kasi ang ating colonial mentality. Mataas ang tingin natin sa mga puti.
Ang hindi ko makalimutan na insidente ng singitan sa pila ay noong panahon pa ni Marcos. Manila International Film Festival noon at may palabas na German film, “Lola” sa bagong tayo na Film Center.
Nang mga panahon na yun, gusto talaga ni Imelda Marcos sumipsip sa mga foreigners kaya special treatment sila sa lahat na okasyon na kina-iinis naming mga Pilipino. Para kaming mga second class citizens sa sariling bayan.
Tanghaling tapat at mahaba ang pila. Medyo inip na inip na kami dahil mainit.May nakita kaming mga puti na dumarating at dumeretso doon sa harap kung saan may nakatayo na mga usher.
Sabi namin, baka “mental colony” itong usher at special treatment na naman itong mga puti. Sinigiwan namin ang mga puti ng “Fall in line! Fall in line!”
Hindi kami pinapansin. Relax lang sila doon sa harapan at naghihintay bumukas ang pintuan.
Naisip namin na German ang pelikula at baka German itong mga foreigners. Baka hindi nakaka-intindi ng English. Sabi ng isa, “Mayroon ba ditong marunong mag- German? Ano ba ang ‘Fall in line sa’ sa German?
Mukhang walang marunong mag-German. Tapos, biglang may sumigaw ng “Volkswagen!”
Tawanan na lang kami lahat. Talaga naman ang Pinoy. Hindi talaga nawawala ang sense of humor kahit ina-api.
Hanggang ngayon ganun pa rin. Mabuti naman at natikman ni Luli Arroyo,Marc Jacobs Handbags, kahit ilang segundo lang,wholesale replica handbags, ang buhay api. Siya naman ngayon ang nang-aapi.
Other articles: