Bakit kaya galit ang kampo ni Mike Arroyo sa political ad ni Alan Cayetano, kandidato para senador ng Genuine Opposition, na pinapakita ang kanyang ginawa noong hearing sa kongreso sa kasong kanyang isinampa laban kay Alan?
Hindi naman niretoke ang kanyang mukha at kanyang sinabi. Talagang makatotohanan.
Ang galing nitong ad ni Alan. Pinapakita ang video clip ni Arroyo na buong yabang na nagsabi,Louis Vuitton handbags, “It’s none of your business” (Wala kang paki-alam).
Ito ay sinabi niya noong hearing sa House Ethics committee laban kay Cayetano. Sinabi kasi ni Alan na kung talagang sinsero siyang ipakita sa bayan na walang siyang ill-gotten wealth o kayamanang maaring nakuha sa illegal na paraan, dapat magbigay siya ng authorization na buksan sa publiko ang kanyang bank accounts dito sa Pilipinas bago pumunta sa Germany.
Pinagpipilit kasi ni Arroyo na wala siyang milyon-milyon na nakatago sa Germany . Hindi raw totoo ang sinabi ni Alan na may milyones siya sa German bank. Kumuha pa ng certification si Arroyo sa Germany na wala raw account na sa kanyang pangalan o kay Gloria Arroyo.
Akala naman ni Arroyo tanga ang sambayanang Pilipino na maniwala sa kanyang certification. Alam naman ng lahat na pwedeng ilagay sa ibang pangalan ang tinatagong pera.
Balik tayo sa political ad ni Alan.
Pinakita rin doon sa political ad ang sagot ni Alan,Replica Chloe, “No,Replica Burberry, it is the business of the Filipino people.” (Hindi, may paki-alam ang sambayanang Filipino.)
Talaga naman. May paki-alam ang Filipino, tayo lahat, sa nangyayari sa pamahalaan dahil pera natin ang ginagamit.
Sa mga survey na ginawa ng Pulse Asia at SWS, si Mike Arroyo ang isa sa pinaka-iinisan ng taumbayan. Kaya habang inaaway niya si Alan, lalo namang maraming may gusto sa batang kandidato para senador.
Kaya dirty tricks ang ginagawa naman nina Arroyo. Nandiyan ang hindi raw Filipino citizen si Alan, sabi ni Justice Secretary Raul Gonzales. Nandiyan rin na pinatakbo nila itong kargador sa pier sa Davao na si Joselito Cayetano at nagpalista sa Comelec ng pangagalng “Peter”.
Klarong “nuisance candidate” o pampagulo na kandidato itong si Joselito Cayetano ngunit ayaw i-disqualify ni Comelec Chairman Benjamin Abalos.
Itong kaso ni Joselito Cayetano ay isang nakakabahalang signal na si Abalos at ang Comelec ay hindi para sa malinis at patas na eleksyon. Ito ay nagpapahiwatig na galamay si Abalos nina Gloria at Mike Arroyo.
Gahibla na lang ang tiwala ng taumbayan sa Comelec. Sana hindi na hintayin ni Abalos na mapigtal pa.
Other articles: